Incoming Grade 9 Student, Hindi kinaya ang pag-aalala sa gastos sa online school kaya nagpatiwakal

Incoming Grade 9 Student, Hindi kinaya ang pag-aalala sa gastos sa online kaya nagpatiwakal
Photo Courtesy: compile image from Andy Madrigalejo and facebook
Spread the love

Nagpatiwakal ang incoming grade 9 student dahil umano sa pag-aalala sa magiging gastos para sa pagpasok sa online class ngayong agosto.

Dahil dito hindi umano kinaya ng bata ang pressure ng krisis na nararanasan ngayon lalo na sa pagbabalik ng pasukan sa agosto.

Ito ay batay sa ina ng 19-anyos na junior high school student na nagpatiwal sa Barangay Fidel Surtida, Sto. Domingo, Albay.

Ayon sa ina labis na nag-alala ang kanyang anak dahil sa gastos ng bagong sistema sa pag aaral sa git ng krisis sa covid 19 sa bansa kung saan ang online education ang opsyon.

Iniisp ng kanyang anak ang mga bayarin, load at iba pang mga kailangan para ma i-adapt ang bagong sistema.

Maliban dito, isang kaibigan umano ng kanyang anak ang napigilan nito sa tangkang pagpapatiwakal dulot ng parehong problema pero lingid sa kanilang kaalaman na ito mismo pala ay inaatake na rin ng depresyon.

Image may contain: one or more people
Ina ng biktima na hawak ang cellphone ng kanyang anak / Photo Courtesy: Andy Madrigalejo

Natagpuan nalamang ang katawan ng anak na wala ng buhay sa isang kubo, na nasa 100 metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Ayon sa tala, pang-apat na itong insidente ng pagpapatiwakal sa bayan ng Sto. Domingo simula ng ipinatupad na quarantine o lockdown noong marso.

source: [1]

Facebook Comments

Spread the love