Kiko Pangilinan: Maraming senador pabor sa ABS-CBN franchise renewal

Kiko Pangilinan: Maraming senador pabor sa ABS-CBN franchise renewal
Photo credit: compile images from pep.ph and cnn / google
Spread the love

Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, Mayorya umano ng mga senador ay pabor para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

“Bilang isang institusyon ang pinahahalagahan ang kanyang independence, marami sa palagay ko ang pabor,” pahayag ni kiko sa panayam ng Abante.

Dahil Hanggang ngayon ay hindi inaaktuhan ng Kongreso ang panukala para sa franchise renewal ng ABC-CBN na magtatapos na sa Marso 30, 2020.

Ilang panawagan na ang ginawa para itakda na ang public hearing subalit ngayon ay hindi pa rin ito inaaksyunan ng House committee on legislative franchise para maipasa ito bago magtapos ang sesyon ng Kongreso sa Marso 11.

Kinakailangan kasing maipasa muna sa Kamara ang panukalang ito bago umakto dito ang Senado.

Subalit kahit gipit na sa panahon, kumpiyansa naman si Pangilinan na maipapasa ito sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

“Hindi pa nga usad (sa Kamara). Meron pa (chance) ngunit maikli na lang. Meron pa, abangan!” dagdag pa nito.

Binigyang-diin ni Pangilinan, mahalagang maipasa ang prangkisa ng ABS-CBN dahil isa aniya ito sa mga haligi ng press freedom sa bansa.

“Unang-una, mahalaga ang press freedom of the press at isa sa mga haligi ng press freedom sa ating bansa ang ABS-CBN. Ang pagsara ay dagok sa press freedom,” saad ni kiko

Matatandaan na sinabi ni President Rodrigo Duterte kung siya ang tatanungin hindi nya ito i-renew.

source: [1]

Facebook Comments

Spread the love