Trauma ang inabot ng pinoy sa Saudi matapos ma rape ng Arabo

Trauma ang inabot ng pinoy sa Saudi matapos ma rape ng Arabo
photo courtesy: rmn
Spread the love

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) habambuhay na bangungot ang dinanas matapos siyang halayin ng kapwa niya lalaki sa loob ng isang kotse sa Jeddah, Saudi Arabia noong nakaraang buwan.

Kinilala ang biktimang si “Darryl” hindi tunay na pangalan, Sa tulong ng kanyang mga kaibigay ay nagsumbong ito sa pulisya.

8 months palang sa trabaho si Darrly bilang waiter.

Ayon kay Darryl, Bumili lamang ito sa isang tindahan sa Jedda noong Mayo 27 nang lapitan siya ng suspek. Sa wikang Arabic, sinita umano siya nito at hinihingi ang kanyang iqama o residence permit.

Sinunggaban siya ng Arabo, kinuha ang kanyang residence permit, kinaladkad at pilit na isinakay sa kotse nito. Dito na umano siya inabuso ng suspek at mistulang babae na pinagparausan.

Walang nagawa si Darryl dahil naunahan na ito ng takot at baka siya ay patayin ng suspek sa mga oras na siya ay inaabuso.

Tutulungan umano ng konsulado ng Pilipinas ang biktima para sa counseling at para matiyak na mapaparusahan ang suspek.

Naaresto naman ang Arabong suspek.

May payo din ang Konsulado sa mga Kababayan natin na OFW na wag matakot sakaling may magtangkang gumawa ng masama sa kanila.

source: [1]

Facebook Comments

Spread the love