WALANG KUWENTA | Edcel Lagman: Travel ban ni Duterte walang silbi

WALANG KUWENTA | Edcel Lagman: Travel ban ni Duterte walang silbi
Photo Credit: compile images from philippine star and bbc
Spread the love

Nagpatupad ng Temporary travel ban si President Duterte sa lahat ng Chinese national na nagmula sa Wuhan at Hubei Province na sentro ng novel coronavirus (nCoV) Ngunit para kay Albay Rep. Edcel Lagman wala daw itong kuwenta.

‘walang anumang epekto ang naturang kautusan ng Pangulo dahil ang nabanggit na lugar ay isinailalim na sa lockdown kaya wala nang pinapayagan ang pamahalaan ng China na lumabas.’ ayon kay Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman

Giit ni Lagman dapat na pagbawalan ay ang flight papunta at mula sa buong Chinese mainland, kabilang ang Hong Kong.

Naniniwala ito na ang kalusugan pa rin ng mga Pilipino ang dapat prayoridad at dapat isaalang-alang kaysa sa turismo at kita ng mga Philippine airline company.

Dagdag pa nito, Dapat na rin umanong suspendihin ng Philippine Airlines at Cebu Pacific ang lahat ng kanilang flight papunta at mula China at Hong Kong.

Maliban dito kasama rin umano sa dapat i-ban ang pagpasok ng mga Chinese at iba pang turista mula China na nasa cruise ship at iba pang barko.

Sinabi din ni Albay Rep. Edcel Lagman, Dpat bigyan ng pagkilala ang mga kawani ng Bureau of Immigration dahil sa kanilang dedikasyon sa mahigpit na pagbabantay sa mga paliparan at pantalan sa kabila ng kinakaharap na panganib gayundin ang pagkilala sa mga Filipino medical professional na ibinuwis ang kanilang sariling kalusugan at kaligtasan sa pangangasiwa sa mga suspected nCoV carriers.

Kilala din si Albay Rep. Edcel Lagman bilang isa sa mga kritiko ni President Rodrigo Duterte.

source : [1]

Facebook Comments

Spread the love